Mahigpit ngayon ang isinasagawang monitoring ng Municipal Environment & Natural Resources Office(MENRO) ng Calasiao, ang regulasyon sa paggamit ng plastic sa bayan.
Ayon sa MENRO Calasiao, hindi naman tuluyang ipinagbabawal ang paggamit ng plastic sa bayan, bagkus ay nireregulate lamang nila ito.
Diumano, dapat na gumamit ang mga establisyemento ng paper bags sa mga dry goods at hanggang isang plastic lang ang pwede para sa mga wet products tulad ng karne at isda.
Matatandaan na noong Hunyo, epektibo na ang naturang ordinansa na nagbabawal sa paggamit ng single-use plastics sa bayan.
Magmumulta ang mga lalabag sa nasabing ordinansa na nasa 500 para sa first offense at 3 days community service; 2nd offense 1,000 pesos o 5 days community service; at 3rd offense P2,000 o 10 days community service.
Sa kabilang banda, patuloy ang pagpaalala ng tanggapan sa mga mamimili na mas maiging magdala na lamang ng sariling eco bag o bayong upang hindi na makadagdag sa mga suliraning dulot ng plastic. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨