Nananawagan ang grupong ‘Ban Toxics’ sa pamahalaan na maregulate ang produksyon ng plastic sa bansa matapos maranasan ang malawakang pagbaha sa Metro Manila.
Sa ekslusibong panayam ng IFM Dagupan kay Ban Toxics, Toxic Campaigner Thony Dizon, pumapalo aniya sa isang milyong tonelado ng plastic wastes ang nakakalat sa paligid taon-taon.
Noong 2021 aniya sa tala ng World Bank, ikatlo ang Pilipinas sa may malaking kontribusyon sa plastic pollution sa buong mundo.
Aniya ni Dizon, kapansin-pansin na lubhang naapektuhan ang mga daluyan ng tubig-baha dahil sa pagbara ng mga plastic.
Sinabi pa ni Dizon, kinakailangang magkaroon ng konkretong solusyon ang gobyerno upang i- regulate ang produksyon ng plastic sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments