𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗚𝗔𝗥𝗜𝗟𝗬𝗢, 𝗧𝗢𝗕𝗔𝗖𝗖𝗢 𝗔𝗧 𝗩𝗔𝗣𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

Isinusulong sa lalawigan ng Pangasinan ang pagreregulate o pagsasaayos sa paggamit at pagbenta ng mga produktong sigarilyo, tobacco at vape products sa lalawigan.

Alinsunod dito, nilahukan ng mga local officials sa probinsya mula sa piling dalawampu’t-limang bayan ang oryentasyon ukol sa kaalaman at implementasyon ng Framework Conference for Tobacco Control Seminar kasama ang mga kinatawan ng World Health Organization, Department Of Health, Provincial Health Offices at Municipal Health Offices at Action on Smoking and Health (ASH) Philippines.

Sa ilalim ng Provincial Ordinance No. 317-2024 o Comprehensive Smoke-free Ordinance ng probinsya, tinalakay ni Board Member Dr. Jerry Agerico B. Rosario na siyang may akda ng naturang ordinansa ang mga kaalamang nakapaloob dito.

Binigyang diin nito ang kahalagahan ng kooperasyon ng bawat lokal na pamahalaan sa Pangasinan para sa wastong implementasyon nito simula sa grassroots levels.

Samantala, layon ng naturang ordinansa na maprotektahan at maitaguyod ang pangkalusugan ng mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments