𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗙𝗔𝗥𝗠𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗥𝗦𝗕𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟯𝟱𝟬𝗞

Patuloy na mabebenipisyuhan ang mga rice farmers sa Ilocos Region na rehistrado sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA) ng Department of Agriculture (DA) Region 1.

Sa datos ng tanggapan, nasa 355, 742 ang kabuuang bilang ng mga palay ng magsasaka na rehistrado na sa RSBSA.

Nakatakdang maging benepisyaryo ang mga ito mula sa programa ng DA tulad ng lamang ng rice programs, production support services, pamamahagi ng hybrid seeds at fertilizer vouchers at iba pa.

Tiniyak din ng ahensya ang inilaang pondo para sa pagpapaunlad ng agrikultura sa Rehiyon Uno at maibibigay na tulong para sa mga magsasaka.

Samantala, tinututukan din ng DA- R1 partikular na ang industriya ng palay at ang planong maabot ang tinukoy na rice sufficiency level sa taong 2028. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments