𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗢 𝗕𝗨𝗟𝗜𝗟𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗦𝗔, 𝗜𝗟𝗨𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Aarangkada ang Rehistro Bulilit ng Philippine Statistics Authority sa iba’t-ibang lugar sa Pangasinan bilang bahagi ng mas pinalawig na National ID Registration sa lalawigan.

Sa ilalim ng programa, Maaari nang iparehistro ng mga magulang ang mga batang may edad isa hanggang apat na taong gulang at dalhin lamang ang mga kinakailangang dokumento tulad ng National ID ng magulang.

Tiyakin na ang magulang na magpaparehistro ay nakarehistro na dahil ang PhilSys Number o PSN ng bata ay ililink sa PSN ng magulang.

Sa darating na August 26, gaganapin ang pagpaparehistro sa Alaminos City Sports Complex at CB Mall Urdaneta. Sa August 31, SM City Rosales, Calasiao PSA Fixed Registration at sa September 04, 2024, ilulunsad ito sa San Carlos City Arenas Gym at Lingayen Civic Center.

Samantala, kasabay ng registration ay mayroon ding medical at dental check, pagkain, storytelling at mga palaro handog para sa mga bata. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments