𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗢 𝗕𝗨𝗟𝗜𝗟𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗦𝗔, 𝗗𝗔𝗗𝗔𝗟𝗛𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗤𝗨𝗜𝗡𝗧𝗜𝗡

Aarangkada sa bayan ng San Quintin ang Rehistro Bulilit ng Philippine Statistics Authority o PSA.

Maaaring dalhin ang mga anak na may edad isa hanggang apat na taong gulang. Magaganap ang PhilSys National ID Registration bukas, September 22, 2024 mula sa alas otso ng umaga sa Municipal Event Center ng bayan.

Kinakailangang dalhin ang orihinal ng kopya ng birth certificate ng bata bilang isa sa requirement sa pagpaparehistro, gayundin ang National ID mismo ng magulang o guardian ng bata.

Patuloy na isinasagawa sa iba’t-ibang bahagi ng Pangasinan ang naturang aktibidad na may layong magkaroon ng National ID habang sila ay bata pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments