𝗥𝗘𝗞𝗟𝗔𝗠𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔𝗥𝗘𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗘𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗜𝗡𝗔𝗞𝗦𝗬𝗨𝗡𝗔𝗡

Tinugunan na ang problema ukol sa madalas na matanggap na reklamo mula sa mga turista at bisitang dumadayo sa bayan ng Manaoag ang hindi parehong pagsingil pagdating sa parking fee sa bayan.

Nakatakdang ihain sa Sangguniang Panlalawigan ang Municipal Ordinance No. 15-2024 o ang Parking Ordinance sa naturang bayan.

Nakasaad sa naturang ordinansa ang karampatang mga singil sa lahat ng parehong pribado at pampublikong sasakyan na nais magpark sa mga parking areas.

Samantala, saklaw ng ordinansa ang nagsasabing libre ang parking fee at charges para sa mga bonafide resident ng Manaoag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments