Nagsimula na ang relief operations ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga residenteng apektado ng Bagyong Carina sa lalawigan ng Pangasinan.
Batay sa ulat ng Pamahalaang Panlalawigan nasa 120 na family food packs at 335 na hygiene kits ang naipamahagi sa mga evacuees mula sa Mangatarem at Labrador.
Kahapon, nasa 40 family food packs at 135 na hygiene kits ang dinala sa dalawang evacuation center sa bayan ng Aguilar.
Nahatiran din ng tulong ang mga pamilyang nasa anim na evacuation centers ng Lingayen ng 30 family food packs at 120 na hygiene kits.
Sa huling tala ng Pamahalaang Panlalawigan nasa 49 na barangay sa probinsya ang nakakaranas ng pagbaha. Maliban sa pagkain at hygiene kits namahagi din ng gamot ang Provincial Health Office sa mga residente ng Bautista at Mangatarem. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨