Nagpapatuloy ang pamamahagi ng relief packs sa mga apektadong pamilya dahil sa bagyong Kristine sa lungsod ng Dagupan.
Kahapon, ang mga residente ng Brgy. Lucao, Bonuan Binloc, Bonuan Gueset at Bacayao Norte ang pinamahagian ng relief packs na augmentasyon mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1.
Ang pamamahagi ng tulong ay magpapatuloy upang masuyod ang mga apektadong pamilya mula sa 31 barangay sa lungsod. Matatandaan na isinailalim ang lungsod sa State of Calamity dahil sa matinding epekto ng bagyo sa kabuhayan, agrikultura at imprastraktura.
Samantala, nagsagawa na ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan kasama ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Public Alert Response and Monitoring Center (PARMC), City Local Government Operations Office (CLGOO) at ng PNP bilang paghahanda sa bagyong marce. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨