𝗥𝗘𝗣𝗔𝗖𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗜𝗧𝗘𝗠𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗦𝗪𝗗 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

CAUAYAN CITY- Nagsimula na ang repacking ng food items ang City Social Welfare Development sa Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Ms. Jomerlyn R. Limbo, SWO 1, sa kasalukuyan ay mayroon nang 23 affected barangays ang nasa listahan ng kanilang mabibigyan ng food packs at posible pa umano itong madagdagan.

Target umano ng kanilang ahensya na makapag-repack ng dalawang libo kung saan ay 1600 food packs na ang kanilang natapos.


Kabilang sa food packs ay bigas, canned foods, kape, gatas at iba pa.

Katuwang ng CSWD ang PDAO, Daycare Workers, OSCA, ilang kawani ng DSWD Region 2 at 4P’s team.

Samantala, patuloy pa rin ang monitoring na isinasagawa ng kanilang opisina sa iba pang affected areas sa buong lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments