𝗥𝗘𝗤𝗨𝗜𝗥𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗧𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗨𝗔𝗡𝗚, 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Mahigpit na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Bauang, La Union ang pagsunod sa karagdagang 12 requirements para sa mga residenteng magpaparehistro late registration of birth.

Nakasaad sa PSA Memorandum Circular 2024-17, kinakailangang sumunod sa itinakdang mga requirements at proseso ang bawat indibidwal na nagnanais humabol sa birth registration.

Matatandaan na nagkaroon ng isyu sa late registration ng PSA dahil sa pekeng pagkakakilanlan ni dating Bamban Mayor Alice Guo.

Mula sa limang requirements noon na kinabibilangan ng Certificate of Live Birth, Certificate of No Record, supporting documents at ilan pang signed affidavits, nadagdag sa listahan ang baptismal certificate, form 137, voter’s registration, SSS membership record, Income Tax Returns ng magulang, medical records kung saan isinilang at sertipikasyon mula sa Barangay kung under age bilang proof of birth at birthplace.

Hinimok naman ng lokal na pamahalaan ang sumunod upang maiwasan ang aberya sa pagpaparehistro.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments