Nakaantabay ang rescue team sa pangunguna ng Pangasinan PDRRMO katuwang ang iba pang concerned agencies sa lalawigan ng Pangasinan partikular sa mga baybayin sa probinsyas kasunod ng pagdiriwang ng holiday season ngayon.
Bagamat ilang mga pamilya ay piniling manatili sa mga tahanan, ang iba naman ay nagtungo sa mga pook-pasyalan para mamasyal at sa mga baybayin para magtampisaw upang iselebra ang araw ng Kapaskuhan.
Ilang mga rescue personnels sa kasalukyan ang nakadeploy sa mga baybayin sa Pangasinan upang matiyak ang kaligtasan ng mga beachgoers at makapagbigay ng serbisyong pangkaligtasan sa mga turista.
Samantala, mayroon nananatiling nakataas na gale warning sa probinsya kugn saan ang lagay ng dagat ay inaasahang maalon hanggang sa napakaalon. Pinapayuhan din na huwag munang pumalaot ang mga maliliit na sasakyang pandagat at bangkang pangisda upang maiwasan ang anumang insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨