𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗘

Inihayag ng Office of the Civil Defense Ilocos na marami ang nakikiisa sa kanilang panawagan nang maagang paglikas upang maiwasan ang mas malalang epekto ng Bagyong Kristine sa rehiyon.

Ayon Kay Ms. Carmelita A. Lavertino Officer-in-Charge, OCD RO1, marami ang sumunod na residente sa inirekomendang pagsasagawa ng pre-emptive evacuation.

Epektibo umano ang isinagawang press briefing ng national government Katuwang ang media sa pagpapakalat ng naturang rekomendasyon at impormasyon sa mga kababayan.

Samantala, activated na ang incident management team at response cluster team upang tumugon sa mga pangangailangan ng apektadong indibidwal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments