Magsisimula ngayong araw ang 2024 Population Census and Community-Based Monitoring System sa kalakhang Region 1.
Dahil dito, hinihikayat ang mga residente ng rehiyon na makiisa sa pagsagot ng questionnaires mula sa POPCEN-CMBS. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) Region 1, layunin ng programa na makuha ang pinakabagong populasyon ng rehiyon at matukoy ang bilang ng mga residenteng nangangailangan ng tulong ng gobyerno.
Nauna nang sumabak sa training ang mga napiling enumerators mula sa isang daan at labing anim na munisipalidad kasama ang siyam na siyudad sa Region 1.
Siniguro naman ng ahensya na magiging confidential ang mga nakolektang datos ng mga enumerators. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments