Thursday, February 12, 2026

𝗥𝗘𝗦𝗜𝗟𝗜𝗘𝗡𝗧 𝗥𝗢𝗢𝗧𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧, 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗤𝗨𝗘𝗭𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

Cauayan City – Inilunsad sa Quezon, Isabela ang Barangay First 1000 Days Phase 3 Project na “Resilient Roots” ng Helen Keller International–Philippines katuwang ang Church of Christ of Latter-day Saints, DOH Cagayan Valley CHD, mga lokal na pamahalaan, at iba pang sektor.

Layunin ng proyekto na palakasin ang nutrisyon ng mga ina at bata sa unang 1,000 araw sa pamamagitan ng community gardens at community-based nutrition systems.

Binigyang-diin ng mga lokal at panlalawigang opisyal ang kahalagahan ng balanseng nutrisyon bilang pundasyon ng kalusugan, kasabay ng pagpapatupad ng Republic Act 11148 o Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act at mga programang tulad ng micronutrient supplementation, tamang pagpapakain sa sanggol at bata, maternal nutrition, at PIMAM.

Nilagdaan ang isang Memorandum of
Understanding bilang patunay ng sama-samang pangako ng mga katuwang na organisasyon na suportahan ang mga programang magpapaangat sa kalusugan, nutrisyon, at kinabukasan ng mga pamilya at komunidad.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments