𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗗𝗘𝗥𝗦 𝗜𝗡 𝗗𝗜𝗦𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥 𝗖𝗛𝗔𝗟𝗟𝗘𝗡𝗚𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟰, 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗞𝗨𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Muling inilunsad ang taunang pagsasagawa ng Responders on Disaster Challenge sa lungsod ng Cauayan ngayong taon.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Office Head Ronald Viloria, layunin ng kompetisyong ito na masukat ang kahandaan ng mga Cauayeño.

Kung noong mga nakaraang taon ay mga Barangay Responders lamang ang kasali sa kompetisyon, ngayong taon isinali na rin nila ang iba’t-ibang agencies, at volunteer organizations.


Sinabi ni Viloria na malaking tulong ito upang mas mapalakas pa ang kahandaan ng bawat Cauayeño lalo’t papalapit na muli ang panahon ng bagyo.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ng patimpalak at nakatakda namang sumabak ang mga barangay na mula sa Tanap Region, Forest Region, at Tabacal Region.

Facebook Comments