𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗔𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗡𝗚-𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗡𝗢𝗜𝗦𝗘 𝗣𝗢𝗟𝗟𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡

Inilunsad sa Lingayen ang responsableng paggamit ng wang-wang kontra noise pollution.

Ito ay base sa Administrative Order No. 2024-001 ng Land Transportation Office na nagsasaad na tanging emergency vehicles lamang tulad ng ambulansya, police mobile at fire truck ang awtorisadong gumamit ng sirens at blinkers.

Layunin din nito na isulong ang ligtas na kakalsadahan.

Nauna nang inilunsad ang programa sa bayan tulad ng Bayambang, Rosales at Alaminos City.

Hinihikayat ng tanggapan ang publiko at iba pang ahensya na makiisa sa mahigpit na pagpapatupad ng naturang kautusan sa buong rehiyon upang maitaguyod ang payapang kapaligiran para sa mga motorista. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments