𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗧𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗜𝗧, 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛-𝗖𝗛𝗗 𝟭

Muling nagpaalala ang Department of Health – Center for Health Development 1 sa publiko na dadayo sa mga swimming pool, dagat o anumang anyo ng tubig ngayong tag-init patungkol sa kaligtasan.

Ayon kay Francisco De Vera mula sa tanggapan, hindi tiyak na mangyayari ang insidente ng pagkalunod na siyang maaaring mas maiwasan kapag responsable tuwing nagsasaya sa mga water activities.

Karamihan umano sa mga naitatalang nalulunod ang mga non-swimmers. Katunayan, dobleng bilang ang naitala sa Ilocos Region noong 2023 sa bilang na 53 kung ihahambing sa 24 na kaso noong 2022.

Dagdag ni De Vera hindi pinagbabawalan ang mga non-swimmers na mag-enjoy sa mga water activities ngunit dapat manatili sa lalim na kanilang kakayanin. Panawagan niya sa mga magulang o guardian na bantayan ang mga bata lalo kapag nasa tubig ang mga ito. Paalala niya rin sa mga adult na huwag uminom ng alak bago o habang maliligo sa dagat.

Binigyang-diin din ni De Vera ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa basic life support.

Sa kasalukuyan, patuloy ang ugnayan ng health providers sa mga lokal na pamahalaan upang maiparating sa barangay level ang basic life support training. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments