Nagbunga ng magandang resulta ang puspusang pagsasagawa ng anti-illegal drug campaign ng Police Regional Office 1 sa unang quarter ng 2024.
Sa 302 na operasyong isinagawa ng awtoridad ngayong unang quarter ng taon, umabot sa 360 na indibidwal ang naaresto. Mas mataas sa resulta noong nakaraang taon na 277 na operasyon at 303 na indibidwal ang naaresto.
Mas mataas din ang halaga ng nakumpiskang ilegal na droga sa kasalukuyan na abot P29,230,819.26 kung ihahambing sa P28,760,026.96 noong nakaraang taon sa parehong petsa.
Nagbigay papuri si PRO1 Chief Police Brigadier General Lou Evangelista sa mga personnel na nagsagawa ng matagumpay na operasyon.
Dagdag niya ang mga numerong nabanggit ay sumasalamin sa pinaigting na kampanya ng awtoridad upang sugpuin ang ilegal na droga sa rehiyon sa pamamagitan ng paghadlang sa mga source at pagpapatupad ng pinagbuting paraan ng pagsasawata.
Kaugnay nito, hinirang din na Top Police Provincial Office ang Pangasinan sa buwan ng Pebrero at Marso ngayong taon sa Unit Performance Evaluation Rating sa buong Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨