𝗥𝗘𝗧𝗔𝗜𝗟 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡

Nananatili pa rin ang presyo ng retail ng ilan sa mga produktong isdang ibinebenta sa mga wet market sa Pangasinan.

Ayon sa inilabas na datos ng Department of Agriculture Ilocos Region, nananatili sa presyo itinakda ang ilan sa mga pangunahing isdang benta sa palengke.

Nasa 200 per kilo ang presyo ng isdang bangus sa lalawigan at 140 per kilo ang presyo naman ng isdang tilapia.

Sa presyo naman ng galunggong, parehong nasa 200 ang per kilo ng local at imported nito habang nasa 180 per kilo naman ang retail price para sa Alumahan.

Samantala, tuloy pa rin ang papgpunt ang mga mamimili sa wet market para mamili pa rin ng mga pangunahing isda sa kabila ng taas pa rin ng presyo nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments