𝗥𝗘𝗧𝗜𝗥𝗘𝗗 𝗨𝗦 𝗔𝗥𝗠𝗬, 𝗡𝗔𝗡𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔

Huli ang isang 45 anyos Retired US Army matapos umanong manutok ng baril sa limang kabataan sa Brgy. San Pablo, Sta. Maria, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, agad na sumangguni ang mga kabataan sa kanilang himpilan upang ireport ang nangyaring insidente.

Pasado alas syete ng gabi nang dumating ang suspek sa lugar kung saan nakatambay ang mga biktima at hinahanap ang dalawang katao. Sinabi pa umano ng suspek na kung hindi nila ito ilalabas ay babarilin sila isa-isa.

Naaresto ang suspek matapos isagawa ng pulisya ang hot pursuit operation.

Narekober din ang ginamit na baril ng suspek.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments