Tuesday, February 24, 2026

‎𝗥𝗘𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗥𝗔𝗛 𝗚𝗘𝗥𝗢𝗡𝗜𝗠𝗢 𝗔𝗧 𝗝𝗢𝗛𝗡 𝗟𝗟𝗢𝗬𝗗 𝗖𝗥𝗨𝗭, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗜𝗛𝗜𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗣𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗪𝗘𝗡𝗧𝗢

‎Cauayan City – Hindi pa rin matutuloy sa ngayon ang planong reunion movie nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.

‎Bagama’t naging masaya ang kanilang mga fans sa balitang magbabalik-tambalan ang dalawa, nananatili pa rin itong plano dahil patuloy pa silang naghahanap ng materyal at kuwentong kapwa nila magugustuhan kaya wala pang aprubadong konsepto para sa proyekto.

‎Matatandaang pumatok sa takilya ang kanilang mga pelikulang A Very Special Love, You Changed My Life, It Takes a Man and a Woman at Finally Found Someone at ang inaabangang proyekto sana ang magiging ika-limang pelikula ng kanilang tambalan.

‎Sa kabila ng mga pagbabago sa kanilang personal na buhay, nananatiling buhay ang pag-asa ng publiko na muli silang mapanood sa isang romantic drama.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments