Nagpaalala ang Department of Agriculture Regional Office 1 sa posibleng pagkaantala ng rice planting calendar sa Ilocos Region dahil sa climate outlook mula Abril hanggang Setyembre ngayong taon
Maaaring maranasan ang epekto ng El Niño hanggang Agosto at dahil dito maaaring makaranas ng way below to normal rainfall condition mula 31.2 mm hanggang 106.1 mm sa buwan ng Abril hanggang Setyembre. At mula Abril hanggang Agosto ang rainfall forecast sa Ilocos Region ay aabot ng 43.9 mm hanggang 79.8 mm o below normal rainfall condition.
Inabisuhan nila ang mga magsasaka dahil sa gantong kondisyon ang land preparation ay maaaring hindi pabor sa buwan ng Mayo na nagtakdang simula ng Rice planting calendar. Ang mga tanim na kulang sa patubig ay nakitaan ng pagbaba ng photosynthesis na maaaring magdulot ng pagkabansot ng tanim.
Maaaring gumamit ng water-saving technologies tulad ng Alternative Wetting at Drying at ng pump at engine sets o Solar Power Irrigation system habang umiiral ang forecasted below normal rainfall condition. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨