Nananatiling matatag ang rice sufficiency level ng ng lalawigan ng Pangasinan sa gitna ng umiiral na epekto ng El Niño Phenomenon sa bansa.
Katumbas ng nasabing rice sufficiency level ay nasa 830, 062. 18 MT na rice production.
Ayon sa datos ng Provincial Agriculture Office (OPAG), nasa halos 150, 000 na metrikong tonelada ang kabuuang naharvest nito lamang Enero hanggang Pebrero.
Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Ilocos Sur at Ilocos Norte sa buong Region 1 ang nananatiling nakakaranas ng drought condition bunsod ng El Niño.
Naapektuhan ang Pangasinan bagamat kinumpirma mismo ni Provincial Governor Guico III na minimal o hindi matindi o kalakihan ang epekto nito sa probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments