𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗧𝗘𝗖𝗛𝗡𝗢𝗟𝗢𝗚𝗬 𝗙𝗢𝗥𝗨𝗠, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Inilunsad sa lalawigan ng Pangasinan ang kauna-unahang Regional Rice Technology Forum ng Department of Agriculture – Ilocos Region.

Nasa pitong daang mga magsasaka mula sa lalawigan ang nakilahok sa naturang aktibidad kung saan naipakita sa mga ito ang iba’t-ibang mga istratehiya at wastong paggamit ng mga makabagong rice varieties at farm machineries sa pagsasaka.

Ayon kaya Masagana Rice Industry Development Program Director For Rice and Cluster Consolidation, Dr. Emerson Yago, ang programa ay layuning mahikayat ang mga magsasaka sa probinsiya na pagbutihin pa ang pagsasaka gamit ang mga naibibigay na mga kagamitang pansakang makatutulong sa mga ito.

Samantala, alinsunod ang nasabing aktibidad sa pagpapalakas at pagpapabuti ng produksyon ng mga magsasaka upang mapataas ang kanilang kita. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments