Isinagawa sa Alaminos City, Pangasinan ang tatlong araw na Rice Techno Forum para sa mga magsasaka ng Ilocos Region.
Sa naganap na forum, iba’t-ibang programa mula sa Department of Agriculture (DA) ang iprinisenta sa mga magsasaka maging ang mga bagong pamamaraan ng pagsaka at mga teknolohiya.
Nagsagawa rin ng field tour kung saan pinakita sa mga magsasaka ang resulta ng pamamaraan sa pagsasaka ng palay at mga hybrid variety nito.
Inilunsad rin ang agri-trade fair sa naturang lungsod na nagpakita ng mga produkto mula sa mga seed companies, nutrient/plant enhancer companies at ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech). |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments