𝗥𝗜𝗗𝗘𝗥 𝗜𝗡𝗜𝗥𝗘𝗞𝗟𝗔𝗠𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗟𝗜𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗬𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘

Nahaharap ngayon sa kasong Estafa ang 48 anyos na businesswoman kinilala bilang si Irene Tiongson matapos itong ireklamo ng rider na kinontrata nito.

Nagsimula ang transaksyon ng dalawa sa Cubao, Quezon City matapos pakiusapan ng suspek ang rider na ihatid ito sa Marikina City. Nang sumunod na araw ay nagkasundo ang mga ito na ihatid sa iba’t-ibang lugar ang suspek sa singil na P10, 000 ngunit bigong maibigay.

Limang araw ang nakalipas ay napadpad na ang mga ito sa bayan ng Rosales kung saan nakiusap ang suspek na magbabayad pagdating ng Baguio City.

Tumalima agad ang rider sa awtoridad matapos mapagtantong siya ay nabiktima. Naaresto agad ang suspek at kasalukuyang inihahanda ang kaso laban dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments