CAUAYAN CITY – Tinitiyak ng Regional Management Committee ng Rehiyon 02 na ang mga magsasaka na maaapektuhan ng Bagyong โEntengโ ay makakakuha ng karampatang tulong.
Sa isang pagpupulong na pinangunahan ni Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 Regional Executive Director at Chair, RMC 02 Rose Mary G. Aquino, sinang-ayunan na magbigay ng mga trak para sa paghakot ng mga ani ng mga magsasaka sa mga rice processing centers para sa pagpapatuyo, pag-iimbak. at maging ang paggiling.
Tiniyak din ng National Irrigation Administration Region 02 ang kanilang suporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga harvester para sa mga pananim na malapit nang anihin.
Bilang suporta sa kahilingan ng pag-iimbak at pagpapatuyo ng mga ani, bubuksan ng National Food Authority ang kanilang mga bodega at drying facility sa Lalawigan ng Cagayan.
Samantala, bubuksan naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang serbisyo ng kanilang mga drying facility sa Echague.
Umaasa naman ang RMC Region 02 na sa pamamagitan ng mga inisyal na inisyatibong ito ay mababawasan ang pagkalugi ng mga magsasaka sa buong Cagayan Valley dahil sa bagyong Enteng.