𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗕𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗣𝗨𝗔𝗖-𝗣𝗘𝗥𝗘𝗭 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔

Nagsimula na ang road elevation at drainage upgrade sa bahagi ng Tapuac hanggang Perez Blvd. Sa lungsod ng Dagupan.

Dahil dito, nagpaalala ang lokal na Pamahalaan na dumaan sa itinalagang alternate route kung papunta sa destinasyon.

Humingi na rin ng pasensya at nagbigay-abiso sa publiko ukol sa maaaring maging epekto ng proyekto partikular ang pagbigat ng daloy ng trapiko. Nagpapatuloy din ang naturang proyekto sa kahabaan pa ng MH Del Pilar Street.

Samantala, bahagi pa rin ito ng inumpisahang road projects ng DPWH na may layong maibsan ang matagal nang problemang pagbaha sa lungsod ng Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments