𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗤𝗨𝗜, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗢 𝗡𝗔

Nakumpleto na ang road construction project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Fourth District Engineering Office sa bahagi ng Barangay Tobor, Malasiqui.

Ang naturang proyekto ay may layon na mapabuti ang daloy ng trapiko at magkaroon ng ligtas na daan para sa mga residente at motorista.

Sa pamamagitan rin nito ay mapapaikli ang oras ng byahe mula Barangay Tobor papunta sa Malasiqui Public Market at kalapit bayan.

Pinondohan ang naturang proyekto sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) ng 2024 at nagkakahalaga ng kabuuang P4,828,237.95. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments