
β
βCauayan City – Naibenta sa huling auction ang Rolls-Royce Cullinan na pag-aari ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya, na dating tampok sa kanilang mamahaling lifestyle bago lumabas ang kanilang koneksyon sa anomalya sa flood control projects.
β
βAng luxury SUV ay nakuha ng Igorot Stone Kingdom Inc. (Iski), kompanyang nagpapatakbo ng 6-hectares cultural theme park sa Baguio City at naibenta sa halagang P29,026,000, bahagyang mas mataas sa floor price na P29,025,132.58.
β
βAyon kay Pio Velasco, may-ari ng Iski, pinili nilang bilhin ang sasakyan upang mapanatili at mailigtas sa posibleng pagkasira.
β
βDagdag pa nito, itinuturing nilang makasaysayan ang kotse dahil ito ang nagbukas ng mata ng publiko sa malawakang katiwalian sa bansa.
β
βAng pagbebenta ng sasakyan ay bahagi ng patuloy na hakbang ng pamahalaan upang maibalik at maprotektahan ang mga ari-arian mula sa mga dating kontratista at opisyal na sangkot sa anomalya.
: INQUIRER
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










