Isasagawa ang isang Rosary Fluvial Procession for Peace sa Infanta Pangasinan kaugnay sa nangyayaring tensyon sa West Philippine Sea.
Sa inilabas na abiso ng Archdiocese of Lingayen- Dagupan kahapon, sa ika-16 ng Hulyo sisimulan ng ala sais ng umaga ang isang banal na misa sa Barangay Cato, Infanta na pangungunahan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas.
Susundan ito ng isang fluvial rosary parade sa Dasol bay kung saan hinihikayat ang mga mananampalatayang katoliko na makiisa sa pagdarasal ng rosaryo.
Ayon kay Archbishop Villegas parehas na ipagdarasal ang China at Pilipinas.
Hindi lamang aniya ang kaligtasan mula sa kaguluhan ang ipagdarasal maging ang pagkakaisa ng dalawang bansa.
Una nang inilunsad ni Archbishop Villegas ang 50 -day rosary campaign para sa West Philippine Sea na nagsimula noong June 27. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨