𝗥𝗨𝗦𝗦𝗘𝗟𝗟 𝗕𝗥𝗔𝗡𝗗, 𝗡𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗥𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗔𝗣𝗘 𝗔𝗧 𝗦𝗘𝗫𝗨𝗔𝗟 𝗔𝗦𝗦𝗔𝗨𝗟𝗧

Cauayan City – Nahaharap ngayon sa dalawang bagong kaso ng rape at sexual assault ang aktor at komedyanteng si Russell Brand ayon sa Metropolitan Police.
Ayon sa pahayag, pinahintulutan ng Crown Prosecution Services ang dagdag na kaso na may kaugnayan sa dalawang babae, na di umano’y inabuso ni Brand noong 2009.
Sa inilabas na schedule haharap sa Westminster Magistrates’ Court si Brand sa darating na ika-20 ng Enero taong 2026 upang sagutin ang mga kasong isinampa kaugnay sa kanya.
Samantala, ang mga kasong ito ay patungkol sa mga naunang akusasyon laban kay Brand noong Abril 2023, kung saan naharap siya sa limang kaso, kabilang na ang dalawang rape, isang indecent assault, at dalawang sexual assault.
Ang mga insidente ay iniulat na naganap mula 1999 hanggang 2005, na kinasasangkutan ng apat na kababaihan.
Ang mga naunang akusasyon ay kinabibilangan ng panggagahasa sa isang babae sa Bournemouth taong 1999.
Samantala, isang insidente rin ang naitala kung saan taong 2001, di umano’y pinilit ni Brand ang isang babae na pumasok sa isang men’s restroom sa Westminster.

Kaugnay nito ay nahaharap rin si Brand, sa iba pang kaso matapos halikan at hipuin nito ang isang babae taong 2004 hanggang 2005.
Dagdag pa rito nahaharap rin ang aktor sa kasong oral rape at sexual assault taong 2004 sa London.
Samantala, nagbigay naman ng pahayag si Brand kung saan mariin niyang itinanggi ang mga akusasyon laban sa kanya.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang naturang imbestigasyon kaugnay sa naturang krimen.
Si Russell Brand, ay kilala bilang isang komedyante na unang nakilala sa Britanya dahil sa kanyang mga kontrobersyal na comedy routine, kilala rin si Brand, bilang ex-husband ng pop star na si Katy Perry kung saan ay naging tanyag sya sa kanyang mga palabas at pelikula, dahilan upang masungkit ang tagumpay na career sa United Kingdom bago ito pumasok at makilala sa Hollywood.
Facebook Comments