𝗥𝟭𝗠𝗖, 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗣𝗢𝗫 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡

Inihayag ng Region 1 Medical Center (R1MC) na handa ang ospital sakaling makapagtala ng kaso ng MPox ang lalawigan ng Pangasinan.

Ilan sa paghahanda ng pamunuan ay ang pagkakaroon na ng infectious disease center sakaling maitala ang posibleng kaso ng nasabing sakit.

Pinaalalahanan naman ng health authorities ang publiko na agarang magpunta sa pinakamalapit na ospital kung makaranas ng sintomas ng MPox tulad pagsakit ng ulo, lagnat, pamamaga ng kulani, skin rash at pananakit ng likod at kalamnan.

Nauna nang pinulong ng Department of Health-Center for Health Development ang mga kawani ng Municipal Health Offices, at Provincial Health Office sa Ilocos Region upang talakayin ang mga paghahanda at response measure laban sa banta ng Mpox.

Samantala, tumaas pa sa labing-apat ang naitalang kaso ng MPox sa bansa hanggang sa kasalukuyan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments