
Cauayan City – Umabot sa kabuuang 123 Isabelino ang nakatanggap ng libreng serbisyong Sagip Mata, Sagip Buhay Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na ginanap sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa lungsod ng Santiago.
Ang mga benepisyaryo ay nagmula sa Lungsod ng Ilagan at mga bayan ng San Pablo, San Isidro, Reina Mercedes, Tumauini, at Jones.
Ayon kay Dr. Butch Loreto O. Garcia, OIC Medical Center Chief II ng SIMC, lubos ang kanilang pasasalamat kay Gobernador Rodito T. Albano sa patuloy nitong pagsusulong ng abot-kaya at dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga Isabelino.
Aniya, malaking tulong ang programa upang mapangalagaan ang kalusugan ng mata at maiwasan ang mas seryosong suliraning medikal ng mga mamamayan.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan
Facebook Comments










