Kinumpirma ng pulisya na ang laman ng sako na natagpuan ng anim na kabataan sa Barangay Gayusan, Agno Pangasinan ay naglalaman ng methamphetamine hydrochloride o shabu.
Ang labing anim na pakete ng shabu na may bigat na 10,570 na gramo ay dumaan sa pagsusuri ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 1.
Aabot sa 71, 880,80 ang halaga ng nakuhang Shabu. Dahil dito, aabot na sa mahigit 77 milyong halaga ng shabu ang natagpuan na palutang lutang sa karagatang sakop ng Pangasinan.
Patuloy ang panawagan ng pulisya na ipagbigay alam sa malapit na himpilan ng pulisya kung sakaling makatagpo ng illegal na droga na kaparehas sa mga natagpuan sa dagat ng Bani at Agno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments