𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦𝗟𝗔𝗗𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗

Timbog ang isang saleslady matapos pagnakawan ng pera ang pinagtratrabahuhan nitong cellphone shop bayan ng Asingan.

Ayon sa pulisya, nakatanggap ng tawag ang Asingan Municipal Police Station sa may-ari ng naturang establisyimento at sinabing nahuli nito ang kaniyang 18 anyos na saleslady na nagpadala ng 7, 500 pesos sa pamamagitan ng GCASH sa isang numero.

Inamin ng suspek sa amo nito na ginawa niya ang pagnanakaw at na-claim ng kaniyang boyfriend ang pera upang may ipambayad sa kaniyang tuition fee sa lungsod ng Dagupan.


Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong qualified theft. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments