Tinutugunan ngayon ng nagpapatuloy na Salt Farm Industry ng Pangasinan ang salt crisis ng bansa at alinsunod din sa hiling ni Pangulong Marcos Jr.
Matatandaan na operational sa kasalukuyan ang Salt Farm sa bayan ng Bolinao kung saan target ding makaani ng humigit-kumulang 15,000 metriko tonelada ng asin mula sa 473.8-ektarya.
Nasa ₱75 hanggang ₱100M naman ang tinatayang halaga kung tuluyang maani ang target na 15,000 hanggang 20,000 metrikong tonelada ngayong Pebrero hanggang Mayo 2024.
Samantala, kinilala rin ni DENR Sec. Maria Antonia Loyzaga ang mga inilunsad na mga proyekto sa Pangasinan na may kaugnayan sa pagtataguyod ng pangkalikasang sektor na potensyal sa pagsuporta ng ekonomiya ng lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments