𝗦𝗔𝗟𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗨𝗦𝗧𝗥𝗬 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦

Patuloy pang pinalalakas ang industriya ng asin Rehiyon Uno na bahagi sa pagtugon sa mithiin ng pamahalaan na buhayin ang naturang industriya ng bansa.

 

 

Nagpapatuloy din ang pagsusulong ng (DOST-ITDI) Department of Science and Technology – Industrial Technology Development Institute ng kanilang automated salt harvester na may layong mas mapadali ang produksyon.

 

Kaugnay nito, isinusulong ang modernisasyon sa Salt Industry ng Pangasinan sa pamamagitan ng ng OneASIN o One in Accelerating Salt Innovations in Region 1.

 

 

Ang “OneASIN” ay na konsepto ni Dr. Tabaog sa pagpapabilis ng mga inobasyon ng asin sa Rehiyon Uno na may layuning mapabuti ang produksyon at suplay ng asin, pagsusulong ng napapanatiling mga kasanayan sa pangingisda, at pagpapabuti ng kabuhayan ng mga mangingisda.

 

Samantala, ang Pangasinan Salt Center na may lawak na 473 hectares ay matatagpuan sa Barangay Zaragosa, Bolinao, Pangasinan ay kailan lamang ay nakapagbili na ang nasa dalawang milyong kilo ng Agricultural Grade Salt Fertilizer sa Philippine Coconut Authority (PCA). |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments