Nakatanggap ng livelihood assistance ang isang samahan ng mga magsasaka sa bayan ng Infanta na ipinagkakaloob ng Department of Labor and Employment.
Nasa 400,000 pesos ang kabuuang halaga ng mga farming products na itinurn over sa samahang Batang Infanta Pangasinan Farmers Association.
Ilan sa mga naipamahagi sa mga ito ay pataba, mga butong pananim, insecticides at iba pang kagamitan na makatutulong sa kanilang pansaka.
Isa rin ito sa hakbang ng DOLE at ng lokal na pamahalaan na matulungan ang mga magsasaka sa kabila ng kanilang mga hamon na kinakaharap pagdating sa sektor ng agrikultura.
Isinagawa ang turn over ceremony ng naturang livelihood project na pinangunahan ng PESO, opisyal ng lokal na pamahalaan at ng DOLE. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments