𝗦𝗔𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗨𝗧𝗘 𝗚𝗔𝗦𝗧𝗥𝗢𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗜𝗧𝗜𝗦

Naitala ng Pangasinan Provincial Health Office (PHO) ang walong mga bayan at dalawang lungsod sa lalawigan ng Pangasinan na kabilang sa watch list bunsod ng kaso ng Acute Gastroenteritis.

Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Lingayen, Bayambang, Calasiao, Binmaley, Mangaldan, Malasiqui, Sual, Sta. Barbara, San Carlos at Alaminos City.

Kabuuang apat na libo at pitumpu’t-anim (4, 076) ang naitalang kaso na naturang sakit mula January hanggang nito lamang June 10, ngayong taon.

Mas mataas ito ng 12% kumpara sa bilang ng kaso na naitala sa kaparehong panahon ng nakaraang taon na nasa tatlong libo, anim na raan at dalawampu’t-limang (3,625) kaso.

Nakaantabay ang tanggapan ng PHO ukol sa naturang usapin lalo na at nakitaan ng pagtaas sa bilang ng mga natamaan ng food/water borne disease sa mga nabanggit ng lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments