𝗦𝗔𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗢𝗥𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗢𝗪𝗘𝗥 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗥𝗨𝗣𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗕𝗔𝗗𝗢

Ilang bayan sa Pangasinan ang makakaranas ng sampung oras na power interruption sa araw ng Sabado, October 26,2024.

Ayon sa inilabas na abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), magsisimula ang power interruption ala sais ng umaga na magtatagal ng alas kwatro ng hapon kung saan magkakaroon ng upgrading activities sa San Manuel Substation kasama rito ang line switching mula sa dating San Manuel – Calasiao 69kV Line sa bagong 69 kV Switchyard.

Ang mga lugar na apektado ay bahagi ng Urdaneta City na kinabibilangan ng Brgys. Anonas, Cabaruan, Camantiles, Catablan, Cayambanan, Dilan-Paurido, Labit West, Labit Proper, Mabanogbog, Nancalobasaan, Nancamaliran East, Nancamaliran West, Oltama, Pinmaludpod, Poblacion, San Jose, San Vicente, Sugcong and Tulong.

Maapektuhan rin ang bahagi ng Asingan sa Brgys. Bobonan, Calepaan, Coldit, Palaris, Sobol and Toboy habang Brgy. La Paz naman sa bayan ng Villasis.

Apektado rin ng magaganap na power interruption ang buong munisipalidad ng Binalonan, Laoac, Manaoag, Mapandan, Pozorrubio, at San Manuel bukod sa San Juan at San Vicente.

Nagbigay katiyakan naman ang tanggapan na maibabalik din ang linya ng kuryente kung agaran itong matatapos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments