π—¦π—”π—‘π—šπ—šπ—’π—Ÿ π— π—¨π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π—¦π—”π—‘π—§π—œπ—”π—šπ—’ π—–π—œπ—§π—¬, π—‘π—”π—šπ—£π—’π—¦π—œπ—§π—œπ—•π—’ 𝗦𝗔 π—£π—˜π—₯π—§π—¨π—¦π—¦π—œπ—¦

Cauayan City – Nagpositibo sa sakit na Bordetella Pertussis ang isang 28 days old na sanggol mula sa Santiago City, Isabela.

Sa inilabas na impormasyon ng Santiago City Health Office, na-admit sa Southern Isabela Medical Center ang sanggol dahil sa matinding ubo at ng kanila itong kunan ng specimen sa pamamagitan ng nasopharyngeal swab, lumabas nito lang ika-6 ng Mayo na positibo nga ito sa nasabing sakit.

Kaagad namang nagsagawa ang City Health Office kasama ang mga opisyal ng contact tracing sa mga kapamilya ng pasyente at nagkaroon na rin ng health education sa lugar kaugnay sa sakit na Pertussis at ang mga dapat isaalang-alang upang ito ay maiwasan.


Bukod pa rito, nagkaroon na rin ng Outbreak Response Immunization sa dalawang purok sa barangay na ito, at kasalukuyan rin ang pagbibigay ng booster dose ng Petavalent Vaccines sa mga edad dalawa hanggang bago mag limang taong gulang.

Sa kabutihang palad ay nasa maayos na kalagayan na ang pasyente at tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang pagsusuri rito ganun na rin sa mga closed contacts upang mabantayan at mapabuti pa ang kanilang kalusugan.

Hinikayat naman ng City Health Office ang publiko na pabakunahan ang kanilang mga anak upang maprotektahan ang mga ito.

Facebook Comments