𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗥𝗜 𝗦𝗜 𝗚𝗢𝗟𝗗 𝗠𝗘𝗗𝗔𝗟𝗜𝗦𝗧𝗦 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗬𝗨𝗟𝗢

Inihayag sa regular session sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang mainit na pagbati kay gold medalists Carlos Yulo matapos ang magkasunod na pagkakapanalo nito ng dalawang gold medal sa kasalukuyang ginaganap na Paris Olympics 2024.

Alinsunod dito, nakatakdang maghain ang SP ng isang resolusyong nagbibigay parangal kay Yulo sa kanyang naging tagumpay at dedikasyon

Dagdag pa ng konsehal, siya ang magsisilbing inspirasyon sa lahat ng mga kabataan at atletang Dagupeño pagdating sa pagkamit at pagpupursigi sa kanilang larangang tinahak.

Iminungkahi rin nito ang pag-iinvest sa mga sports program ng Dagupan City upang linangin ang mga atletang posibleng maging world class athlete.

Matatandaan na nagkaroon ng pagkakataon ang ilang mga Dagupan athletes na kabilang sa artistic gymnastics na maturuan ni Yulo bilang paghahanda sa naganap na R1AA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments