𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗧𝗘𝗥𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗪, 𝗜𝗡𝗜𝗥𝗘𝗥𝗘𝗞𝗟𝗔𝗠𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚

Inirereklamo ng mga residente sa Manaoag ang biglaang pagdami ng langaw sa kanilang lugar na nagmumula umano sa mga poultry farms sa bayan.

Ang ilang residente sa Barangay Babasit kinuhanan ng larawan ang sangkaterbang langaw na dumikit sa flypaper na nakakaapekto umano sa kanilang kalusugan lalo na sa mga sanggol.

Dahil sa sunod-sunod na reklamo ng residente, nagbaba ng kautusan ang lokal na pamahalaan na inspeksyunin ang lahat ng poultry farms na matatagpuan sa Barangay Inamotan, Cabanbanan, Baritao, Mermer, Babasit at Lipit Sur.

Sinuri ang mga pasilidad, partikular ang mga lugar na maaaring pagmulan ng pesteng langaw, tulad ng tambakan ng dumi at proseso ng pag-iimbak ng feeds, upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa tamang sanitation at waste management practices.

Sa pagsasagawa ng inspeksyon , isang poultry farm ang sinuspinde ang operasyon dahil

sa napakaraming langaw, mga sirang nets na posibleng nilalabasan ng mga langaw at hindi epektibong pagkontrol ng peste.

Kinakailangan namang mag comply ang manukan sa Sanitation Guidelines bago payagang mag operate muli. Samantala, nakatakdang pulungin ang iba pang may-ari ng poultry farm sa bayan upang maiwasang maulit ang kaparehas na pangyayari.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments