
Cauayan City -Nagbigay paalala sa mga motorista sa bayan ng San Agustin, Isabela ang pamunuan ng San Agustin Police Station matapos ang sunud-sunod na pagkakatala ng aksidente sa lansangan sa lalawigan.
Sa panayam ng IFM News Team kay Police Major Ranilo Bumagat, hepe ng San Agustin Police Station, maging sa kanilang bayang nasasakupan ay aksidente sa kalsada ang pinakamalimit na insidenteng naitatala.
Gayunpaman, kung ikukumpara sa ibang mga lugar sa lalawigan ay mas kakaunti umano ang naitatalang aksidente sa kanilang bayan.
Sinabi nito na kabilang sa hakbang na kanilang ginagawa upang maiwasan ang road accidents ay ang pagpapatrolya sa mga kalsadahan, Anti-criminality Checkpoint, Social Media Posting, at ang patuloy na pagbibigay paalala sa mga motorista kaugnay sa dapat na pagsunod sa mga batas trapiko.
Hinihikayat ni PMAJ Bumagat ang lahat ng mga nagmamaneho ng sasakyan at gumagamit ng kalsada na maging responsable at maingat upang ligtas na makarating sa kanilang mga pupuntahan.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










