Ang SEAMEO SEPS ang nagpasimula ng 2024 Waste Hero School Competition na nilahukan ng 41 schools mula sa South Asian countries at 12 schools outside South Asia gaya ng Bhutan, India, at Qatar.
Layunin ng organisasyon na matutunan ng kabataan ang disiplina sa pagtatapon ng basura.
Ang San Luis National High School ay nagpakita ng combined effort, disiplina at pagpapanatili ng waste management kung kaya’t kabilang ito sa mga nabigyan ng parangal.
Ang naturang paaralan ang tanging nakapasok sa buong Pilipinas kasama ang Malaysia, Indonesia, Thailand at Bhutan.
Ayon sa official website ng SEAMEO SEPS, voluntary ang pagsali sa naturang kumpetisiyon. Dapat din ay may existing waste management activities na rin ang mga eskwelahan mula pa sa taong 2022 at 2023.
Lahat ng eskwelahang ito ay maguuwi ng USD 500 o nasa humigit kumulang P30,000 na masusing pinili ng mga panel experts ng naturang organisasyon.|𝗶𝗳𝗺𝗻𝗲𝘄𝘀