𝗦𝗔𝗡 𝗥𝗢𝗤𝗨𝗘 𝗗𝗔𝗠, 𝗞𝗔𝗬𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗠

Tiniyak ng pamunuan ng San Roque Power Corporation na hindi aapaw ang San Roque Dam kahit pa nagpakawala ng tubig ngayong araw ang Binga at Ambuklao Dam dahil sa walang tigil na pag-uulan bunsod ng hanging habagat.

Paliwanag ng SRPC, bagamat masasalo ng dam ang pakakawalang tubig mula sa dalawa ay mapupunta ito sa reservoir at na siyang magpapataas ng level ng tubig.

Sa monitoring ng tanggapan, nasa 229.71 masl ang lebel ng tubig kaninang 9AM malayo pa sa spilling level na 280 masl.

Patuloy na nakaantabay ang tanggapan sa mga pagbabago sa lebel ng tubig at sinisiguro na magbibigay ng sapat na impormasyon sa publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments