𝗦𝗔𝗡 𝗥𝗢𝗤𝗨𝗘 𝗗𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗘𝗕𝗘𝗟 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚

Kasalukuyan pa ring nasa 234 masl ang lebel ng tubig sa San Roque, ayon sa daily monitoring na isinasagawa ng PDRRMO. Nangangahulugan ito na sapat ang suplay na tubig upang magbigay suplay sa National Irrigation System, San Roque Power Corporation, National Telecommunications Commission at San Miguel Corporation.

Ayon kay Tommy Valdez, Vice President for Corporate Social Responsibility ng San Roque Power Corporation, hindi inaasahan na aabot pa sa critical level na 225 masl ang lebel nito.

Walong oras lamang kada araw nagsusuplay ng tubig ang dam kung kaya’t nakakapag-ipon ito ng sapat na tubig sa 16 oras na hindi nagsusuplay sa anumang korporasyon.

Paalala ni Valdez, bagaman sapat ang suplay ng tubig sa San Roque Dam manatili pa ring magtipid ng tubig upang hindi umabot sa shortage ng water supply sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments