𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗦𝗔𝗙𝗘𝗧𝗬 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗠𝗔𝗜𝗕𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗔𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦 – 𝗗𝗢𝗛 𝗖𝗛𝗗 𝟭

Pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa road safety at tamang pagsusuot ng mga protective gear sa oras ng byahe ng mga motorista ang isa sa makatutulong umano para maibsan ang kaso ng road accidents sa rehiyon ayon sa Department of Health CHD 1.

Sa hayag ni Environmental and Occupational Health Unit Unit Head, Engr. Lily Esteban, maiibsan ang pagtaas ng kaso ng ano mang klaseng aksidente sa kalsada kung palaging gagamit ang mga motorista ng protective devices.

Dapat rin na iwasan na ang pagbyahe at pagdadrive kung na ilalim nang impluwensya ng alak ang pangangatawan maging dapat na i-maintain ang ligtas na bilis sa pagpapatakbo ng mga sasakyan.

Samantala, payo rin sa publiko na sumunod sa mga designated pedestrian lane at doon tumawid nang sa gayon ay mas maging ligtas sa gitna ng kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments